Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brgy health worker bibigyan 20% diskuwento

0 55

Inaprubahan ng House committee on ways and means ang panukalang magbibigay ng 20% diskuwento sa pamimili ng mga barangay health worker o BHW.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, bahagi ito ng pag-amiyenda sa Magna Carta for Barangay Health Workers, na layon pa ring bigyan ng pagkilala ang ginagampanang obligasyon ng mga ito na matagal na ring binabalewala.

SM food to go Banner Ad

Karamihan umano sa mga ito ay hindi nabibigyan ng nararapat na kompensasyon lalo ngayong pandemya bagama’t nasa panganib din ang kanilang buhay bukod sa hindi sila kasama sa mga benepisyaryo ng Bayanihan to Recover as One Act. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.