Abante Tonite Interactive

Brgy kagawad kalaboso sa ‘di lisensyadong baril

By
141

Kalaboso ang isang retiradong sundalo na kasalukuyang barangay kagawad matapos siyang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Brgy. San Eugenio, Natividad, Pangasinan.

Bitbit ang search warrant, dinakip ng mga miyembro ng Natividad Police ang suspek na si Geronimo Olipaz, dating miyembro ng Philippine Army (PA) at incumbent barangay kagawad ng nasabing barangay.

Nakatanggap umano ng impormasyon mula sa ilang concerned citizen ang Natividad Police ukol sa laging pagsusukbit ng baril ni Olipaz kahit hindi ito naka-duty bilang opisyal ng barangay.

Nakuha mula sa suspek ang kalibre .22 at .45 pistol.

Nasa kostudiya ngayon ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya.