Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brgy kap, 10 pa sumambulat sa dinamita

0 112

Patay ang apat katao habang sugatan ang pitong iba pa matapos na sumabog ang imbak na dinamita sa bahay ng isang kapitan ng barangay sa Balud, Masbate kahapon ng hapon.

Dead on the spot matapos na magtamo ng sunog at pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang sina Lina Buco-Recto, kapitan ng Barangay Pajo; Mac-Mac Dela Cruz; Ronelyn Bulala; at Aisa Sese.

Samantala, sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa Balud Municipal Hospital sina Tessie Badahos, 59; Leonard Amistoso, 42; Ruel Henticay Chavez, 26; Junvin Badahos 24; Ivan Mahilum, 20; John Paul Badahos, 12; at Chris Bagaipo, 7.

Ayon kay PRO 5 Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, naganap ang insidente, alas-12:55 ng hapon, nang isang napakalakas na pagsabog ang naganap sa bahay ni Buco-Recto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaimbak na dinamita ang dahilan ng insidente.

Ang dinamita ay kadalasang ginagamit sa iligal na pangingisda ng mga residente sa lugar at mahigpit itong ipinagbabawal dahil sa sobrang nakakapinsala sa yamang-dagat.

Muling pinaalala ni Estomo ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda sapagkat ito ay hindi lamang nagdudulot ng masamang epekto sa kapaligiran kundi maaaring maging sanhi ng pagkasawi ng mga mamamayan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.