Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brgy kapitan sa Batangas tinumba ng tandem

0 23

Pumanaw ang kapitan ng isang barangay sa Lipa City, Batangas nang pagbabarilin siya ng riding-in-tandem kahapon.

Kinilala ang biktima na si Cesar Catibog, 68, residente at kapitan ng Barangay Pagolingin East, Lipa City.

Ayon sa police report, nangyari ang pamamaril sa P. Torres Street sa Barangay 6 bandang alas-7:40 ng umaga.

Kabababa lang ng chairman sa kanilang barangay patrol vehicle kasama ang kanyang driver na si Joseph Surco nang mabilis na dumating ang dalawang suspek na sakay ng walang plaka at kulay itim na motorsiklo sabay malapitang pinaputukan ang kapitan sa noo.

Kaagad ding umalis at tumakas ang mga suspek papuntang Lipa City proper.

Isinugod pa sa NL Villa Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpatay. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.