Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brgy Sec, 2 pa minasaker ng 13 armado

0 127

TATLO ang patay habang tatlo ang nakaligtas sa nangyaring ambush sa Calbayog, Samar nitong Lunes.

Kasunod ito ng nangyaring pamamaril sa isang kandidato sa nasabi ring lugar kamakailan.

Kinilala ang nasawing si Mart Vicentino, 34, village secretary ng Barangay San Antonio village sa Calbayog, pero residente ng Palale Village sa Sta. Margarita, Samar.

Ang dalawa pang napatay ay sina Germa Wahingon, 22 at Nilda de Pedro, 48, kalugar ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng isang “habal-habal” na minamaneho ni Vicentino at dumadaan ng alas-9:00 ng umaga nitong Lunes nang pagsapit sa pakurbadang bahagi sa San Jose Village ay bigla silang pinaputukan ng nasa 13 armadong suspek, unang tinamaan si Vicentino.

Pagbagsak ay nilapitan pa ito ng grupo saka muling pinagbabaril kabilang ang dalawa.

Mapalad namang nakatakas ang tatlong iba pang sakay na sina Remedios Diaz, 57; Lerma Dulay, 29; at Julita Casaljay, 68.

Kinuha ng mga suspek ang itim na bag saka tumakas.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang laman nito pero ayon sa mga imbestigador, posibleng kita ito sa pinagbentahang mga agrikultura.

Nangyari ang insidente tatlong araw matapos ang pamamaril sa kandidatong konsehal sa Calbayog City sa Lope De Vega, Northern Samar na si Domingo Alvarez. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.