Abante Tonite Interactive

Brian, Jervy atbp 3-0 na sa LGBA RoY race

218

May 3 rounds na lang ang “2019 LGBA Breeder of Year” race, na humatak na ng 116 entries, at sisiyapol mamaya sa Pasay City Cockpit.

Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa suporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, may garantisadong P5M papremyo ang LGBA series sa first leg 7-stag derby.

May 17 kalahok na pawang three pointers ang mga swak na sa grand finals sa Oktubre 11.

Umiskor ng 3 panalo sa gayung daming laban nitong Biyernes sina Brian Kampton (Blue Diamond Farms), Jervy Maglunob (Triple J Farms), Ricky Magtuto (Ahluck Camsur), Tady Palma/Jonjon Soller (TMP Soller 2) at Ramir Navas (RN Budiao).

Larga ang isa pang 3-stag elims sa Miyerkoles, Setyembre 18 habang sa Okt. 3 ang final round.

Ang 4-stag final rounds ay sa Okt. 7 na para sa mga nakaiskor ng 1, 1.5 at 2 points, at sa Okt. 11 na mga may 2.5 at 3 markers. (Enjel Manato)