Abante Tonite Interactive

Brian McKnight tampok sa Miss Earth 2018

By
286

Ngayong gabi, November 3 coronation night ng Miss Earth 2018 sa Mall of Asia Arena. Pangungunahan ito ni road-safety advocate James Deakin bilang host. May special performance rin mula sa international R&B at Soul icon na si Brian McKnight.

Bukas, Linggo (Nobyembre 4), mapapanood ang grand coronation night ng prestihiyosong international beauty pageant na Miss Earth 2018 sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Magtitipon-tipon ang 87 na kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo na maglalaban-laban para sa korona at titulong Miss Earth 2018. Ang mananalong kandidata ay magsisilbing role model na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-18 taon ng Miss Earth, siguradong mamamangha ang au­dience sa ganda ng Greek and Norse mythology-inspired stage design na gawa mula sa environment-friendly recyclable materials.

Sino sa mga kandidata ang magniningning at kokoronahan bilang Miss Earth 2018?

Panoorin ang telecast ng Miss Earth 2018 grand coronation night sa Linggo, Nobyembre 4, 10:30pm sa SNBO ng Kapuso network.

Narito ang ang larawan ng ilang kandidata sa Figure and Form na kuha ni JR Noses. Ginanap ito sa Century Park Hotel Manila.