Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brickman, Aquas kinatay Leopards

0 127

Tuloy-tuloy ang pananalasa ni Jason Brickman at ng Kaohsiung Aquas sa T1 League makaraang lampasuhin ang Taoyuan Leopards, 116-82, Sabado ng gabi sa Chung Yuan Christian University Gymnasium sa Chinese Taipei.

Malaki ang naitulong ni Brickman sa fifth straight win ng koponan sa kanyang 17 points, nine assists at four rebounds para sa 9-1 win-loss record ng league-leading team sa six-squad men’s hoopfest.

Matapos kumawala sa pagtatapos ng first half, pinalobo pa ng Kaohsiung ang kalamangan sa 32-puntos kontra Leopards, 92-60.

Pinamayagpagan ang opensa ng Aquas ni Hu Long-mao na pumoste ng 20 markers, 9 boards , 5 feeds at steals.

May double-double ni Mindaugas Kupsas sa insikor na 17 at kalawit na 18 rebs., 2 blocks, at Yu Huan-ya nan aka-13 puntos at tatlong pasa na naglugmok sa karibal sa ilalim sa 1-7 mark.

Sunod na makakasalpukan ng Kaohsiung ang pumapangalawa sa katayuang Taiwan Beer HeroBears (6-4) sa darating na Linggo, Enero 23, University of Taipei-Tianmu Gymnasium.

Ang T1 ang isa sa dalawang pro league sa Taiwan na misyong mapataas din ang antas ng sport sa bansa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.