Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brickman, Gray sa 3×3 babanat

0 309

Bigong makapasok sa PBA Season 46 Draft sina Jason Brickman at Jeremiah Gray, pero magiging bahagi pa rin sila ng liga.

Maglalaro ang dalawa sa inaugural 3×3 tournament na isasabay sa 5-on-5. Plano ng ilga na umpisahan ang papasok na 2021 season sa April 18 sa Antipolo.

Sa kanilang social media account, kinumpirma ng Bolts na kinuha si Brickman para sa 3×3.

Ang 29-year-old, six-footer guard ang handpicked na pinakamainam na playmaker ng mga unang nagpalista sa 2021 draft.

Sunod ay tinapik ng TNT si Gray.

Mas maluwag ang rules sa 3×3 kumpara sa 5×5.

Kasama sina Brickman at Gray sa pitong Fil-foreign players na hindi nakakumpleto ng papeles mula Department of Justice at Bureau of Immigration hanggang March 5 deadline na binigay ng PBA.

Ang iba pa ay sina Christopher Cancio, John Paul Gulfo, Tyrus Hill, Brandon Ganuelas-Rosser at Taylor Statham.

May 61 mula sa 86 ang nabunot sa virtual 36th edition draft noong March 14 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Top pick sa regular si Joshua Munzon para sa Terrafirma. At si Jordan Heading sa Gilas Pilipas na Dyip din ang may karapatan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.