Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brickman lipat sa 3×3

0 438

Sa 1st Philippine Basketball Association 2021 muna matetengga sina Jason Brickman at iba pang Fil-Ams na hindi nakakumpleto ng mga papeles para sa online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa March 14.

Habang hinihintay ang mga kailangang dokumento mula sa Department of Justice (DoJ) at Bureau of Immigration (BI), binigyan ng pagkakataon ng pro league na matupad pa rin ang pangarap ng mga sumablay sa dokumento na makapasok sa 5×5 sa susunod na taon.

May tsansa rin ang mga 3×3 player, ihihiwalay sa 5×5, na makahabol pa para katawanin ang bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa July 23-August 8 kung saan mabibinyagan ang sport na dating kilalang streetball. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.