Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bride umatras sa kasal, tinodas

0 175

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 30-anyos na dalaga na sinakal hanggang sa mapatay ng kanyang nobyo matapos kanselahin ng biktima ang kanilang kasal sa Davao City kamakailan.

Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Maliry Bitil Gumanan, 35-anyos at nakatira sa Magsaysay, Davao del Sur.

Sa imbestigasyon ng Davao City Police, kinilala ang biktima na si Joan Balabagan Lintang na natagpuang patay sa loob ng banyo ng isang motel na matatagpuan sa C.M. Recto Avenue sa Barangay 35-D ng naturang lungsod.

Nangyari ang krimen noong Hunyo 26 kung saan nag-check in umano ang dalawa bandang tanghali ng naturang araw.

Pero narinig ang pagtatalo ng magkasintahan at nagpasya ang babae na kanselahin ang kanilang kasal.

Nabatid sa imbestigasyon ng mga awtoridad na sinakal hanggang sa mapatay ang biktima saka itinago ng suspek ang bangkay ng kasintahan sa banyo ng inokupang kuwarto.

Subalit sumuko rin sa Magsaysay Municipal Police Station ang suspek. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong homicide. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.