Abante Tonite Interactive

Bright, BanKo diniskarga ang Motolite

255

Winasak ni import Lakia Bright at BanKo ang Motolite, 26-24, 32-30, 26-24 para makabuwelta sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 eliminations, Miyerkoles nang gabi sa sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

‘Di napigil si Bright sa opensa na may 20 points para sa Perlas Spikers na angat sa 2-2 ang kartada habang lag-lag sa 0-3.

“It’s one thing to get to go to those lengths in the game and you know to let it go. I think even though the other team challenged us a lot in the end we just never let go of holding that rope,” pahayag ni Bright na kumayod din sa depensa 15 receptions at 13 excellent digs.

“I think that’s growth for us and I’m proud of that for us to just hang in there during those tough times.” hirit pa niya sa pagtayo ng team niya mula sa four-set loss sa defending champion Creamline.

‘Di patinag ang Perlas Spikers kahit may bagong import ang Motolite na si Krystle Esdelle na pinalitan si injured Bosnian Edina Selimovic.
“Sa akin, siguro nakukuha na ulit namin yung tempo ng team,” litanya team captain Nicole Tiamzon na may 10 puntos na ambag.(J­aniel Abby Toralba)