Abante Tonite Interactive

Bright, Banko Perlas tiniris ang BaliPure-NU

1,569

Mga laro sa Miyerkoles

(FilOil Flying V Centre)
4 p.m. – BanKo-Perlas vs Petro Gazz
6:30 p.m. – BaliPure vs Tacloban

Naniguro ng playoff para sa Final Four ang Banko Perlas matapos ikahon ang BaliPure-NU 25-19, 22-25, 25-14, 25-19, panalo kagabi sa quarterfinals ng 2018 Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Lumiwanag ang daan ng Perlas Spikers patungo sa semifinals matapos silang akbayan ni American import Kia Bright, humataw ito ng 24 points para manatiling malinis sa apat na laro ang Banko sa six-team single round robin quarters.

Top two teams lang ang sasampa sa F4, dahil nauna nang umentra ang powerhouse Creamline at PayMaya.

Posibleng sumuwag na sila sa semis depende sa kalalabasan ng mga laro ng ibang teams. Dahil sa ipinakitang tikas ng Perlas Spikers, wala nang pag-asa ang Water Defenders sa asam nilang korona kahit maipanalo pa nila ang kanilang huling laban. Semplang sa 1-3 card ang BaliPure-NU.