Abante Tonite Interactive

BRIGHT FUTURE?

100

Gumanda ang tsansa ng wildcard Gilas Pilipinas-Chooks-To-Go sa 26th FIBA Asia Champions Cup sa Setyembre 22-30 sa Chenzhou-Hunan, China.

Nakatagpo na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng dalawang reinforcements sa katauhan nina American Isaiah Charles Austin at Nigerian Bright Akhuetie.

Ang 7-foot-1, magbe-24-anyos sa Oktubre at tubong Fresno, California na si Austin, ayon kahapon sa isang Gilas source, ang planong ipalit na naturalized center kay Andray Blatche. Bukas ang dating ng former Baylor University slot man.

Minsan na itong nasuring may karamdamang Marfan syndrome na pumigil sa kanyang makapaglaro sa NBA noong 2014.

Nabigyan si Austin ng clearance noong 2016 at nakapaglaro na sa Serbia, Adriatic (Yugoslavia) at China (NBL).

Nasa gitna na ang 6-foot-7 forward na si Akhuetie ng kanyang residency sa UP Fighting Maroons para makapaglaro sa susunod na taong 81st UAAP tapos lisanin ang Perpetual Altas sa NCAA.

Mangunguna sa Nationals sina Fil-German Christian Standhardinger at Bobby Ray Parks, Jr. kasama sina home growns Kiefer Ravena, Jeron Teng, Raymar Jose.

Sa pagdating nina Austin at Akhuetie, inaasahang gumanda ang future ng Gilas sa pag-target ng unang titulo sa torneo tapos huling maghari ng Hapee Toothpaste noong 1996 sa Manila. ()