Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brill may ibuguga

0 281

Umaayon ang pagkakataon sa Magnolia, nabalikan ng Hotshots ang dati pa nilang prospect sa PBA Draft na si Loren Brill.

Walang draft combine ngayong taon dahil sa pandemic, pero sa limitadong ensayo bago at pagkatapos ng proceedings ay naimbita ng Pambansang Manok si Brill, anak ni dating Northern Cement captain Louie.

Napahanga agad si coach Chito Victolero sa pinakita ng secen-generation player.

“Hindi namin siya masyadong nakita kasi wala nga tayong (rookie) camp, pero ‘yung resume niya maganda,” aniya. “He’s a big guard also like Jerrick, medyo bulky ‘yan parang (Brian) Heruela). We can use him on both ends of the floor.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.