Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brio de Agoho nakipag-areglo sa SEC

0 70

Nabayad ang Brio de Agoho Club Resort Inc. ng P1.816 milyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) para maareglo ang kaso nila tungkol sa iligal na pagbebenta o pagso-solicit ng investments sa publiko nang walang kinaukulang lisensiya.

Tinukoy ng SEC ang Brio de Agoho sa isang advisory nito noong Agosto 12, 2021 dahil sa pagbebenta nito ng club shares o proprietary shares nang walang basbas ng komisyon.

Sa batas, partikular na sa Securities Regulation Code, ang mga investment o securities ay dapat tini­timbre at kinukuhanan ng permit sa SEC para ibenta sa publiko.

Inaalok ng Brio de Agoho ang mga tao sa Facebook na mag-invest sa itatayo nitong beach resort at hotel sa Brgy. Uacon, Candelaria sa Zambales. Noong Mayo, nag-alok ito ng shares na nagkakahalagang P900,000 na maaa­ring bayaran sa loob ng 35 buwan nang walang interes ngunit may reservation fee na P22,000.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa anunisyo ni SEC Enforcement and Investor Protection Department officer in charge Oliver Leonardo noong Setyembre 8, 2021, lumapit ang Brio de Agoho sa SEC noong Agosto 26, 2021 para pormal na makipag-areglo at nag-alok na bayaran ang kalahati ng P2.27 milyong multa na ipapataw ng komisyon.

Sabi ni Leonardo, tinanggihan ng SEC en banc ang alok ng Brio de Agoho noong Setyembre 2, alinsunod sa rekomendasyon ng EIPD na 80% ng maaaring imulta ang dapat bayaran nito.

Binayaran ng Brio de Agoho ang multa noong Setyembre 6. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.