Briones: Balik eskuwela tuloy sa August 24

Wala nang atrasan ang class opening sa August 24, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones.
“Sa mga areas like NCR and Region 4A [Calabarzon] na under close monitoring pa, hindi sila masyadong apektado dahil lahat ng classes natin ay online, walang face-to-face until next year and until the President so declares,” ani Briones.
Binigyang diin ng kalihim na mangyayari lamang ang face-to-face classes kapag may bakuna na laban sa COVID-19.
Una nang nagsagawa ang DepEd ng National Dry Run ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) nito. (Dolly B. Cabreza)