Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Briones dismayado sa mura ng mga estudyante

0 284

Hindi makapaniwala si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na sa kanyang edad na 79 ay mamumura siya sa kauna-unahang pagkakataon mula pa sa mga batang estudyante.

Ayon kay Briones, ang mga masasakit na salita sa kanilang mga opisyal ng DepEd ang nagpursigi sa kanila para ituloy ang pagbubukas ng klase sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“May mga statement, may mga mura, sa buong buhay ko, hindi pa ako namura nang P of the I, can you imagine at my age, P of the I kuno ko,” ayon kay Briones sa panayam ng isang tv channel.

“Mga ganyang klase na lengguwahe, which emphasize the fact that we really need to educate our learners and also the adults,” aniya pa.

Lahad pa ng kalihim, may mga mali man sa kanilang sistema ay siniguro nitong maayos na mapatutupad ang pagbubukas ng klase sa higit 50,000 dry run na kanilang ginawa para dito.

Aminado naman ang kalihim na walang perpektong sistema.

“It’s like building a house, your house is not yet finished pero usually sa ating kultura `di pa tapos mag-move in ka na para makita mo, and that is exactly what happened. Nag-dry run kami, nakita namin ‘yong mga difficulties and challenges, and of course, that was given massive publicity months even before we started,” pahayag pa ng kalihim. (Raymark Patriarca/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.