Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Briones pinagbibitiw sa late na pagbili ng module

0 385

Giniit ni Deputy Speaker at SAGIP Rep. Rodante Marcoleta ang pagbibitiw ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at iba pang opisyal nito, kasabay ng puna nito hinggil sa planong pagbili ng P4.2 bilyong halaga ng Self-Learning Modules (SLM) para sa fourth grading.

Kinuwestiyon ng mambabatas ang pagbili ng SLM gayong hindi rin naman umano ito madadala sa mga eskuwelahan para magamit pagsapit ng 4th quarter.

Ang deadline umano ng pagsumite ng bid ay itinakda sa April 27, 2021. Nasa 30 hanggang 90 araw naman para sa printing at delivery. Sabi pa ng mambabatas, “This is a wanton waste of people’s money because there is absolutely no way that the modules could be used for the next quarter that will start on May 17 and ends on July 10, 2021.”

Aniya, wala umanong nakitang reporma sa DepEd mula nang punahin niya ito noong Marso kaugnay ng mga SLM para sa third grading period.

Ginamit pa umano ng DepEd ang enhanced community quarantine sa National Capital Region para pangatwiranan ang utos sa mga Regional at Division Offices na mag-reproduce ng kanilang SLM para sa unang buwan ng third grading at nangako na maglalaan ng pondo para rito.

“So why will they print these materials that the learners will not be able to use this year? Assuming that these get printed, where will they store these tons of SLMs? Baka maulit na naman ‘yung P25 million worth of books printed by Lexicon Press but got rotten in the printer’s warehouse because of DepEd’s inability to get said books prior to their ultimate delivery to intended schools,” wika pa ni Marcoleta.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na sasayangin ng DepEd ang limitadong pondo ng gobyerno. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.