Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Briones saludo sa sakripisyo ng mga titser

0 54

Pinuri at nagpaabot ng pasasalamat si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga guro dahil sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng makabagong karanasan sa pagkatuto na mahalaga sa totoong buhay.

Kaugnay nito sa pagdiriwang ngayong Oktubre 5 ng World Teachers’ Day, na siya ring araw nang pagtatapos ng 2021 National Teachers’ Month na sinimulang ang selebrasyon noong Setyembre 7.

“The Department of Education greets, salutes, honors all our teachers whether they’re in the lowest grades or up to the highest grades in Senior High School. We greet every one of you and express to each one of you our gratitude for your contributions to education,” mensahe ni Briones.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang National Teachers’ Month ngayong taon ay may temang, “Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon.”

Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Briones na pagkakalooban ng tig-P1,000 cash allowance bilang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) ang lahat ng mga guro sa pampublikong paaralan ngayong taon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.