Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Britain aprub sa Pfizer virus bakuna

0 111

Inaprubahan ng Britain ang paggamit sa kanilang bansa ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer/BioNTech.

Sinasabing 95% epektibo umano ang bakuna ng Pfizer at inihayag ng British regular na magsisimula silang gamitin ito sa susunod na linggo partikular sa mga higit na nangangailangan nito katulad ng mga matatanda at mga pasyenteng madaling dapuan ng coronavirus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na umorder na umano ang Britain ng 40 milyong doses para mabakunahang ang 20 milyong katao sa kanilang bansa.

Kauna-unahang bansa ang Britain na nag-apruba ng bakuna kontra COVID.

Leave A Reply

Your email address will not be published.