Abante Tonite Interactive

Britain nag-aalok ng security deal – Panelo

859

Nagpahayag umano ng interes ang Britain na pumasok sa isang kasunduan matapos kanselahin ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na narinig niya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na may mga bansang nag-alok na magkaroon ng VFA sa bansa, kabilang na ang Britain.

Gayunman, hindi aniya ito sigurado kung kasama sa mga interesado ang China at Russia.

“Parang narinig ko kay Secretary Delfin Lorenzana na may mga countries na nag-o-offer and one of them is UK,” ani Panelo.

Nilinaw ng kalihim na bukas ang gobyerno na pumasok sa anumang kasunduan basta masi­gurong hindi tagilid ang bansa at parehong pakikinabangan ito ng Pilipinas at ng kakontratang bansa.

Pero nasa desisyon pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papayag o hindi dahil nasabi ani­ya nito na panahon na para manindigan at palakasin ang puwersa ng hindi kailangang umasa sa ibang bansa.(Aileen Taliping)