Abante Tonite
Mabilis sa Balita

British national nabali paa sa e-trike

0 42

BALI ang kanang paa ng isang British national nang mabangga ng isang electric bike habang naglalakad kasama ang kanyang asawa sa Rosario, Cavite Linggo ng umaga.

Nilalapatan ngayon ng lunas sa Divine Grace Hospital ang biktimang si Keith Allan Hargreaves Feltham, 78-anyos habang inaresto ng pulisya si Genieva Samson, 33, may-ari ng isang electric bike.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Pat Ivan James Suliba ng Rosario Police Station, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang misis dakong alas-siyete kamakalawa ng umaga sa kahabaan ng Gen Trias Drive, Brgy Tejeros Convention ng naturang bayan pero pagsapit sa tapat ng Royal Star Appliances ay binangga siya ng e-bike na minamaneho ni Samson.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, bali ang kanang paa ng dayuhan kaya mabilis na itinakbo sa ospital upang malapatan ng lunas. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.