Abante Tonite Interactive

Britney ‘di pa babalik sa pagkanta

192

Nagawa ni Britney Spears na pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagpo-post post ng isang video habang nagsasayaw gamit ang isang kanta ni Michael Jackson noong Huwebes.

Sa gitna ng kanyang pakikibaka sa pangkaisipang kalusugan at legal battle hinggil sa conservatorship ng kanyang ama sa kanyang mga pakikipagrelasyon, gustong patunayan ni Britney na maligaya at malusog ang kanyang pangangatawan habang sinasa-yawan niya ang sikat na sikat na awitin mula kay MJ at Janet Jackson na “Scream.”

Gayunpaman, matapos mai-post ang nasabing clip sa Instagram, napansin ng mga tagahanga na ang video ay hindi na bago at aktuwal na kinuha noong Marso 2018.

Abante Hiring – IT dep

Ayon pa sa kanyang longtime manager na si Larry Rudolph, posibleng hindi muna magbalik sa pagkanta at paggawa ng mga concerts ang kanyang alagang si Britney. Hindi pa mentally at physically ready ang kanyang alaga na bumalik sa paggawa ng mga show.

Matatandaang pumasok sa mental health facility ang singer matapos na labis na maapektuhan nang magkasakit ang kanyang ama.

“As the person who guides her career – based on the information I and all of the professionals who work with her are being told on a need-to-know basis – from what I have gathered it’s clear to me she should not be going back to do this Vegas residency, not in the near future and possibly never again,” mahabang paliwanag ng manager sa kalagayan ni Britney.

“I look at her almost like I look at my own daughter. It’s very emotional for me… and really rough. Personally, I want for her to just find a peaceful, happy place – whatever that means for her. It’s not about a career anymore – it’s about life. Britney is the one whose focus is on on [getting better]. She’s driving it…… Let her be a civilian for a while. She’s given so much. Give her time,” pakiusap ni Rudolph sa mga supporters ni Britney.

Ang “Crazy” hitmaker ay naka-iskedyul na ipagpatuloy ang rehearsals para sa kanyang Britney: Domination Las Vegas residency pagkatapos ma-kansel ng kanyang konsyerto sa taong ito, ngunit ayon sa dating entertainment lawyer, hindi pa bumalik si Britney sa entablado. (Lourdes Fabian)