Abante Tonite Interactive

Britney sasagipin ang 3 fan na apektado ng coronavirus

513

NI: RONALINE AVECILLA

Magbibigay ng tulong si Britney Spears sa mga fan niyang naapektuhan ng coronavirus outbreak. Inanunsyo niya ito sa pamamagitan ng isang video sa Instagram.

Parte umano ito ng #DoYourPartChallenge na kung saan ay ni-nominate siya ng kapatid na si Jaime Lynn Spears.

“My sister @jamielynnspears has nominated me to participate in the #DoYourPartChallenge so I’m picking 3 fans to help out during this difficult time … DM me and let me know how I can help and I will do what I can !!! GOD BLESS,” caption niya sa post.

Kahit diapers o pagkain ay babayaran ng singer para sa 3 fan na higit na nangangailangan ng kanyang tulong. Pinuri naman siya ng kanyang mga tagahanga.