Abante Tonite Interactive

Briton ang unang nagturo ng English sa mga Filipino

35

Alam n’yo ba na ang mga British invaders at hindi ang mga Amerikano ang unang nagturo ng wikang English sa mga Pinoy at tayong mga Filipino ang ikatlo sa buong mundo na largest English-speaking nation.

***

Binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa Espanya noong 1898.

***

Isang Filipino doctor na nagngangalang Abelardo Aguilar ang kasamang nakadiskubre ng isang uri ng antibiotic na may brand name na Ilosone na hango sa probinsyang Iloilo.

***

Ang unang one-chip video camera ay inimbento ng isang Filipino mula sa New Jersey.

***

Isang pinoy ang unang naging international Grandmaster na nagmula sa Asia, siya ay si Eugenio Torre matapos manalo sa isang Chess Olympiad sa Nice, France noong 1974.

***

Si Thomas Edison ang nakadiskubre ng electric light pero alam n’yo bang ang fluorescent lamp na ginagamit natin ngayon ay imbensyon ng isang Cebuano na si Benigno Flores mula sa Bantayan Island.

Related Posts

***

Ang Latina-American pop star na si Christina Aguilera ay tinalo ng ating kababayang singer na si Josephine Roberto aka ‘Banig’ sa isang international star search.

***

Alam n’yo ba na isang Filipina doctor ang personal physician ni Ex-US president Bill Clinton. Siya ay si Dr. Eleonor ‘Connie’ Concepcion Mariano na isa sa pinakabatang Captain ng US Navy.

***

Ang unang Filipino-American na naupo sa US Congress ay si Virginia Rep. Roberto Cortez-Scott, isang Harvard alumnus.

***

Ang University of San Carlos sa Cebu ay naitayo noong 1595 at mas nauna pa sa Harvard at itinutu­ring na pinakamatandang unibersidad sa Asya, sumunod naman ang University of Sto. Tomas sa Manila na itinatag noong 1611.

***

Si Carlos P. Romulo ang unang Asyano na naupo bilang UN Secretary General.

***

Ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ay nakapagbasa at nakapagsulat sa edad na dalawa at nang tumanda ay nagkaroon ng kaka­yanang makapagsalita ng 20 lengguwahe kabilang ang Latin, Greek, German, French, at Chinese.