Abante Tonite Interactive

Briton timbog sa ecstasy

By
13

Arestado ang isang British national at nakum­piskhan ng pitong pirasong ecstasy sa isinagawan­g buy-bust operation ng mga tauha ng District Anti Illegal Drug ng Southern Police District (DAID-SPD) kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dange­rous drugs act ang isasampang kaso laban sa suspect na si Nabeel Ahmed Butt alyas ‘Isaac’ naninirahan sa No. 303 Road Chester Elisco Road, San Joaquin, Pasig City at kasalukuyan nakakulong ngayon sa detention cell ng DAID.

Ayon kay Senior Ins­pector Wilfredo Sangel ng DAID, alas-5:30 ng madaling-araw nang maaresto ang dayuhan sa Makati Avenue corner Jupiter St. nang nasabing lungsod.

Sinabi ni Sangel, nakatanggap sila ng tawag mula sa telepono hinggil sa pagdadala at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng dayuhan kaya ikinas ang buy-bust na nagresulta sa pagdakip sa dayuhan.