Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bro Eddie-ZOE TV kakalkalin tax

0 357

Iginiit ng isang kongresista sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang kasunduan ng ABS-CBN at ZOE Broadcasting Network para sa pagpapalabas ng mga programa ng Kapamilya network.

Pag-aari ng mga Lopez ang ABS-CBN samantalang kay CIBAC party-list Rep. Eduardo `Bro. Eddie’ Villanueva naman ang ZOE Broadcasting Network.

Sabi ng bagong minority leader sa Kamara na si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, dapat imbestigahan ng NTC at BIR ang blocktime agreement ng dalawang network dahil sa posibleng legal at tax issue matapos na bumalik sa free tv ang mga programa ng Dos.

Matatandaang binasura ng Kamara ang aplikasyon para sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN kung kaya’t nagsara ang operasyon nito.

“There is a legal issue about it. Let’s just see what will happen there,” sabi ni Paduana sa isang virtual press conference noong Miyerkoles.

Sa pagkakaintindi umano niya, kung non-commercial ang isang istasyon, katulad ng ZOE na hawak ng religious group, ay exempted ito sa buwis. Subalit kapag commercial network aniya ay kailangang magbayad ng buwis.

“A cursory reading of the Zoe franchise, as amended, suggests that all broadcast operations of Zoe are now tax-exempt. Is it right for Zoe to continue enjoying it considering na may blocktime deal with ABS-CBN?” tanong ng mambabatas.

Pinupunto ni Paduana na pumasok sa blocktime agreement ang ZOE Broadcasting kung kaya’t kikita na rin ito.

“`Yon ang issue ko doon sa ABS-CBN eh. `Yong ABS-CBN, the profit of ABS-CBN goes to Big Dipper. Dahil `di ba dahil accredited ng PEZA. So it’s tax evasion, you’re evading your tax. So may issue talaga diyan pag ganiyan you have to pay their taxes but of course its up to, if somebody will file a case against ZOE with regards to tax, let’s leave that to the court. Tingnan natin kung ano. But of course the BIR should check on it and NTC, kasi `di ba dapat `pag commercial ka `di ba you have to pay your taxes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.