Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Broadband huwag lang iasa sa mga telco

0 72

Kailangang tumulong din ang pamahalaan kung nais nitong pabilisin ang internet connectivity at speed sa Pilipinas at huwag iasa lamang ang katuparan nito sa mga telecommunication company.

Malaking tulong sa bansa kung magkakaroon ng katulad na batas ng Estados Unidos para sa COVID-19 relief package na nilagdaan ni US President Donald Trump kung saan naglaan ng $7 bilyong pondo para palawakin ang broadband access sa milyong-milyong mamamayan nito.

Layon ng $900 billion COVID-19 relief package ng Amerika na bigyan ng broadband access ang milyon-milyong estudyante, mga pamilya at mga walang trabaho sa kanilang bansa na kinakailangan ngayong may pandemya.

Nakasaad sa COVID-19 stimulus program ng US na malaking bahagi ng pondo nito ay dapat mapunta sa mga bagong programa upang mabigyan ng broadband access ang iba pang pamayanan.

Katulad sa US, dumami ang work-from-home sa Pilipinas dahil sa pandemya kaya naman naging prayoridad para sa mga telco na mamuhunan upang mabigyan ng mas mahusay at mabilis na internet access ang mga nagtatrabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit hindi kakayanin kung mga telco lang ang gagalaw. Kailangan din tumulong ang gobyerno katulad ng ginawa sa Amerika.

Sabi ni Kevin Chua, World Bank economist at pangunahing may-akda ng report na “A Better Normal Under COVID-19: Digitalizing the Philippine Economy Now”, sa isang lipunan na mayroong digital transformation, kailangang pangunahan ito ng pamahalaan mismo katulad ng ginagawa sa ibang bansa.

Kung nais ng Pilipinas na maging `world-class’ sa internet connectivity at speed, dapat mag-invest na ngayon pa lang ang gobyerno sa broadband.

Mayroon nang National Broadband Plan (NBP) ang Department of Information and Communications Technology (DICT) subalit kailangan nito ng P18 bilyon para maipatupad ang programa.

Binawasan kasi ng bicameral committee ang budget ng DICT para sa NBP at ginawa lang itong P956 milyon na hindi uubra para makasabay tayo sa mga pagbabago ng teknolohiya sa ibang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.