Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Broadcaster itinumba sa radio station

0 25

Patay ang isang radio blocktime commentator matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin paglabas sa istasyon ng radyo kahapon sa Brgy. Mambaling, Cebu City.

Naisugod pa sa Cebu City Medical Center subalit idineklara ring dead on arrival ang biktimang si Reynante ‘Rey’ Cortes, ng dyRB.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril sa N. Bacalso Avenue sa Brgy. Mambaling, alas-8:57, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, na nagsugod sa biktima sa ospital, habang nasa programa ay itinimbre sa kanya ng isang staff na binaril si Cortes.

SM food to go Banner Ad

Si Tumulak ay may programa rin sa dyRB na umeere pagkatapos ng programa ni Cortes.

Nasawi si Cortes dahil sa tinamong tama sa dibdib at kanang braso.

Ayon naman kay Kit Matus-Cortes, asawa ng biktima, naabutan pa niyang may malay ang asawa bago tuluyang binawian ng buhay.

Si Kit ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa araw na pinaslang si Rey. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.