Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brodkaster sumawsaw sa politika, tinumba

0 60

Tinarget sa ulo upang mati­yak na patay na ang isang ra­dio commentator makaraang tambangan ng riding in tandem habang hinihintay niya ang sasakyan sa talyer sa Tacurong City, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng umaga.

Dead on the spot ang biktima na si Jaynard Angeles, 36-anyos, residente ng Brgy. Matiompong, Lambayong, Sultan Kudarat, dating station manager ng Radyo ni Juan FM station at matinik na radio commentator.

Ayon sa report, hinihintay ni Angeles ang kanyang sasakyan sa harap ng car repair shop sa Brgy. New Carmen bandang alas-10:30 ng umaga, kahapon, nang biglang lapitan ng riding in tandem na mga suspek at agad na pinuntirya ng angkas nito ang ulo ng biktima para masigurong patay agad sa tatlong putok ng baril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid mula kay Allan Fre­no, Tacurong information of­ficer, na nag-resign si Angeles sa Radyo ni Juan FM para sa pagha­handa sa pagpasok sa politika sa kanyang bayan sa Lambayong sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Dalawa ang tinitingnang anggulo ng pulisya: kung may kinalaman ba ang pamamaril sa pagiging mambabanat nito sa radyo o sa pagpasok nito sa politika. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.