Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brondial, San Miguel binoldyak Meralco

0 62

Semis Game 2 sa Biyernes (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – SMB vs Meralco
6 pm – Magnolia vs TNT
*SMB, TNT lead series 1-0

Parehong blowout ang inabot ng Magnolia at Meralco sa TNT at San Miguel Beermen sa opener ng magkahiwalay na serye ng 47th Philippine Basketball Association Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Unang tumikim ang Hotshots ng 108-96 drubbing sa Tropang Giga. Sumunod ay luhod naman ang Bolts sa Beermen 121-97.

Kapwa nasagad sa best-of-three quarters ang Hotshots at Bolts, samantalang isahan lang kinuha ng TNT at SMB ang mga karibal.

“Magandang nagkaroon kami ng break before this game, kasi importante ang first game mapa-best-of-three o best-of-seven pa ‘yan,” ani SMB coach Leo Austria.

Nagsumite ng 25 points si CJ Perez, 18 dito sa first half, para sa SMB.

Tumagay ng career-high 20 pts. at 11 rebounds si Rodney Brondial at may 11 pts., 6 rebs., 5 assists si June Mar Fajardo.

Dumating sa fourth quarter ang 12 sa 17 points ni Chris Banchero sa Bolts, pero hindi nakaporma sina Allein Maliksi (1 of 6), Chris Newsome (4 of 10) at Aaron Black (4 of 15) sa field.

Gutay ang kinatatakutang depensa ng Hotshots nang atakehin ng 26 points ni Mikey Williams – 12 sa 18 first-half pts. ay sa second quarter. May 23 pts. pa si RR Pogoy sa Tropa.

Balik sa drawing boards ang Magnolia at Meralco, pipiliting bumawi sa Game 2 bukas sa Big Dome rin.

Pareho sina Austria at coach Chot Reyes ng pananaw na mahaba pa ang tatakbuhin ng best-of-seven series, nakaisang panalo lang pero malayo pa sa finish.

Mga iskor:

Unang laro

TNT 108 – M. Williams 26, Pogoy 23, Khobuntin 18, Castro 12, Montalbo 8, Erram 6, K.Williams 4, Marcelo 4, Tungcab 3, Rosario 2, Ganuelas-Rosser 2, Alejandro 0, Cruz 0.

Magnolia 96 – Sangalang 14, Abueva 18, Jalalon 14, Dionisio 14, Laput 12, Lee 9, Barroca 7, Dela Rosa 5, Wong 2, Reavis 1, Zaldivar 0, Corpuz 0.

Quarters: 28-19, 54-37, 86-66, 108-96.

Pangalawang laro

San Miguel 121 – Perez 25, Brondial 20, Manuel 16, Fajardo 11, Lassiter 10, Cruz 9, Tautuaa 8, Enciso 8, Herndon 7, Pessumal 5, Ross 2.

Meralco 97 -Banchero 17, Almazan 16, Kose 12, Hodge 11, Newsome 9, Quinto 9, Pascual 9, Black 8, Caram 4, Maliksi 2, Belo 0, Pasaol 0, Baclao 0.

Quarters: 33-17, 60-41, 85-64, 121-97. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.