Abante Tonite Interactive

Broner kay Pacquiao: Makikita mo ang hinahanap mo lagot!

1,326

Wala pa mang opisyal na kontrata para sa sinasabing upakan nila, naka-beast mode na si Adrien Broner at nagpakawala ng maanghang na salita kay World Boxing Association (WBA) 147-pound titlist Manny Pacquiao.

“Come get what you’re looking for,” patutsada ni Broner sa eight-division champ na si Pacquiao, magseselebra ng ika-40 taon sa susunod na buwan.

Sa mga paunang report, Enero 19, 2019 ang salpukan ng dalawang boksingero malamang sa Las Vegas, Nevada.

Nagpasiklab na rin ng kanyang hand speed ang 29-anyos na four-division champion sa isang video clip ng kanyang light workout.

“I will be WAR READY,” ayon sa Instagram story ng Amerikano.

Ang Pambansang Kamao, nagsimula na rin ng kanyang light conditioning dalawang linggo na ang nakalilipas subalit hindi pa ulit ito nasundan.

Nakatakdang magsalita sa Oxford Union sa England sa Lunes, Nobyembre 5, si Pacquiao at pagkatapos ay posibleng tumuloy sa Amerika para sa press tour ng kanilang laban ni Broner, ayon sa report.