Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brown, Beermen diniskaril Dyip

0 133

Mga laro sa Enero 5 (Smart Araneta Coliseum)

3:00 pm – Magnolia vs Blackwater

6:00 pm – Alaska vs Meralco

SABWATAN sina Brandon Brown at Terrence Romeo sa paglango ng San Miguel Beer saTerrafirma, 100-88, sa first game ng double header ngayong taon sa 46th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2021-22 elims sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Nagbaon si Brown ng 23 markers, 10 boards, 5 feeds at 4 steals, habang ibinuhos ni Romeo ang 11 sa first quarter tungo sa conference-high 23 points sahog pa ang 4 rebounds, 3 assists at 2 stls. para sa third straight win ng Beermen na usumampa sa 3-2.

SM food to go Banner Ad

“Sinusubukan namin ang tamang sistema ng laro talaga ng San Miguel. Malayo pa naming maabot pero plit namin na isinasagawa para masunod ang laro namin,” salaysay ni Romeo, na sinuklian din ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng 17 puntos.

Umabante ang Beermen nang pinakamalaking 23 puntos, 84-61, pero nagpilit na mahabol ng Dyip na nalasap na kinapos uapng malasap ang ikaapat na kabiguan sa loob ng limang laro.

“We have a lot of sacrifices with this win as we are down by two and most of the teams are close. They are always present in the practice during the holidays just to prepare for those wins,” bulalas ni San Miguel coach Leovino ‘Leo’ Austria.

Hindi naman sumapat ang minaneho ni Juan Miguel Tiongson sa Dyip na 21 pts. at iniskor na 19 ni Antoneio Hester. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.