Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brown, Celtics inararo Magic

0 145

Nagtistis ng 21 points at 8 assists si Jaylen Brown, may 18 points si Semi Ojeleye at sinagasaan ng Boston ang Orlando 124-97 Biyernes ng gabi.

Unang laro ng Celtics makalipas ang isang linggong pagkakagarahe dahil sa virus-related issues.

Tatlong laro ng Boston ang kinansela matapos mag-positive sa COVID-19 ang ilang players. Ang iba ay hindi puwedeng maglaro dahil base sa contact tracing ay posibleng nahawaan din.

“It’s hectic,” ani Celtics guard Marcus Smart. “A whirlwind tornado if you might call it.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.