Abante Tonite Interactive

Brown, Celtics swak sa 10th straight win

449

Isa pang starter ng Golden State ang ibinagsak ng injury bug, at nalasap ng Warriors ang 105-100 talo sa Boston Celtics Biyernes ng gabi.

Inabot ng sprained right thumb si D’Angelo Russell, nilabas na matapos magsumite ng 12 points at 7 assists. Nakalista rin sa pangalan niya ang siyam sa 19 turnovers ng Warriors.

Negatibo ang X-rays, pero sasailalim pa sa MRI ang starting point guard.
Pagkatapos ng jump ball ay nakuha ni Jayson Tatum ang bola at dinakdak 1:36 pa sa orasan para ilagay ang Celtics sa unahan. Kumapit na lang mula roon ang Boston para kolektahin ang NBA-best 10th straight win sapul nang masilat sa opener.

Unang tumawag ang game officials ng out-of-bounds pabor sa Golden State pero sa replay review ay binaliktad kaya nagkaroon ng jump ball.
Nag-deliver si Jaylen Brown ng 22 points at 8 rebounds sa Celtics, tumapos si Tatum ng 24. (VE)