Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brown lumayas sa Warriors

0 74

Pormal nang pinakilala si Mike Brown bilang bagong coach ng Sacramento Kings nitong Martes.

Hindi pa halos natutuyo ang pawis ni Brown sa dating puwesto bilang isa sa deputies ni Steve Kerr sa bagong koronang National Basketball Association champion Golden State.

Noong Lunes, nakibahagi pa si Brown sa parada sa San Francisco nang i-celebrate ng Warriors ang pang-apat na titulo sa nakalipas na walong seasons.

Mabigat ang magiging misyon ng 52-year-old sa Sacramento, susubukan niyang tuldukan ang longest ever playoff drought sa liga – 16 years.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Papalitan niya si dating Golden State top assistant Luke Walton na galing din Lakers. Kinuha ng Kings si Walton noong 2019 pero sinibak noong November, naupo si Alvin Gentry bilang interim coach.

Tumapos ang Sacramento sa 30-52.

“I’ve been with a lot of different teams in my 30 years,” ani Brown, dati ring coach ng Cavaliers at Lakers. “I’ve experienced something that I believe can get organizations over the top, not just in one year but year in and year out.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.