Abante Tonite Interactive

Brown may pa-kiss kay Olynyk

360

Pumasok ang pabandang 3-pointer ni Jaylen Brown at nag-flying kiss sa kaibigan niyang si Kelly Olynyk para ipaalala sa dating teammate na may tira din siya sa malayo.

Umiskor si Brown ng season-high 31 points, may 28 si Kemba Walker at pinalamig ng Boston Celtics ang Miami Heat 112-93.

“That was for Kelly. I don’t know if he was over there,” ani Brown sa kanyang kiss. “That’s my guy. That was all love right there. I was shoring some love. He said I was going to miss, so I sent some love over to him.”

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 19 points sa Boston. Kumonekta si Brown ng season-high five 3s, namigay ng 7 assists si Walker at may anim na baskets mula sa labas ng arc.

‘Di naisalba ng season-high 37 points ni Jimmy Butler ang Miami. Tumapos ng 12 points si Olynyk, kakampi dati ni Brown sa Celtics, at may tig-10 sina Duncan Robinson at Justise Winslow. (VE)