Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brown, Tatum ginutay Nets

0 217

Nagbaga sina Jaylen Brown at Jayson Tatum nang idemolis ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 149-115 kahit nawala pa si All-Star Kemba Walker kahapon sa 74th NBA 2019-20 seeding game .

May makinang na 21 points si Brown, tampok ang pitong 3-pointers, habang may mahalagang 19 markers si Tatum.

Umayuda pa sa sa dalawa sina Gordon Hayward at Robert Williams na mga bumaston ng tig-18 pts. para sa Celtics, na season high points ang iniskor kalakip ang 20 for 39 sa trey para umangat sa 2-2 sa Walt Disney World Resor sa Orlando, Florida.

Sa sinalpak na walong triple sa first, naka-71 puntos na ang winning team, na dumistansiya ng hanggang 21 bago mag-halftime habang pinapahinga ni Walker ang bugbog na tuhod.

Patuloy ang pasiklab sa tropa ni Brown na sa huling tatlong laro’y nagbabaon ng 23.3 pts. per game upang pahigpitin ang upo ng team sa third place sa 45-23, apat na laro ang layo sa second-seeded Toronto Raptors at 1 ½ games ang agwat sa Miami Heat.

Pagkaraang magpasabog ng career-high 51 pts. sa overtime victory kontra Boston noong Marso bago nagka-Coronavirus Disease 2019, nadiyeta lang sa pagkakataong ito si Caris Lavert sa 13 puntos.

Halatang hindi pa rin nakakarekober ang Brooklyn na buhat sa pagbulaga sa league-leader Milwaukee Bucks noong Lunes kaya kulang sa enerhiya rito. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.