Abante Tonite Interactive

Brownlee, Aguilar pinatoma ang Ginebra vs Meralco

KUMBINASYON

By
643

Iginapang ni Justin Brownlee ang Ginebra sa third quarter para agawin ang 111-105 panalo kontra Meralco sa Sta. Rosa, Laguna Linggo ng gabi at nanatili sa tuktok ng PBA Governors Cup.

Sa fourth, si Japeth Aguilar naman ang umeksena sa Gin Kings para ikahon ang 7-1 win-loss record.

Sa pangalawa niyang laro mula right calf injury, nagsumite si Aguilar ng 31 points na sinahugan ng 7 rebounds.

May stats line na 31 at 7 din si Brownlee, dinagdagan ng 6 assists at 3 blocks.

Pinaglaruan ni Scottie Thompson ang triple-double, kulang lang ng two points sa binabang 11 rebounds at binigay na 12 assists.

May mahalagang 18 points din si LA Tenorio na kahit 4 for 15 mula sa field ay nagsalpak ng tatlo mula sa labas ng arc, huli ang shot clock-beating 3 sa bukana ng fourth para sa 79-72 edge ng Ginebra.

May 13 points si Brownlee sa third, kabilang ang last four points ng period para itulak ang Gins sa 75-72 lead papasok ng fourth.
Si Chris Newsome ay may 22 na pagkatapos ng 36 minutes, may 12 din sa third, pero tatlo na lang ang kinaya sa fourth para sa Meralco.
Natikman ng Bolts ang panlimang sunod na talo ang nabaon sa 1-5.