Abante Tonite Interactive

Brownlee balik ‘Pinas, mag-a-Alab naman

526

Maagang tinapos ni Justin Brownlee ang pagbabakasyon sa estados Unidos, bumalik na agad ng Maynila para kumampanya naman sa San Miguel Alab Pilipinas bilang import sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations.

Kinumpirma ni co-team owner-manager Charlie Dy ang balita sa pagbabalik ng Barangay Ginebra San Miguel resident import para mag-reinforcement sa Alab.

Papalipatan ng 36-year old, 6-foot-7 American baller si Prince Williams na nakaanim na game sa Alab, nasa second spot sa 10-team league sa 9-6 win-loss record sa likod ng 10-4 Mono Vampire Thailand.

Kakasungkit lang ni Brownlee ng 44th PBA Governors’ Cup title sa nakalipas na buwan para sa Gin Kings, tinimbog sa anim na laro ang Meralco.

Makakasama ni Brownlee sa Alab sina Sam Deguara, Jason Brickman, Jeremiah Gray at iba pa.

Sunod na mapapasabak ang Pinoy quintet kontra Kuala Lumpur Dragons sa darating na Miyerkoles sa Malaysia. (Janiel Abby Toralba)