Abante Tonite Interactive

Brownlee ginanahan, Ginebra nilagok ang semis; San Miguel sa F4 din halimaw!

By
4,235

Biyaheng semifinals na ang Ginebra matapos walisin sa dalawang laro sa quarterfinals ang Meralco, huli ang 104-90 panalo sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Hihintayin ng Gin Kings sa best-of-five semis ang mananaig sa do-or-die game ng GlobalPort at Rain or Shine ngayon.

Naiwan ng 24-12 sa first quarter ang Ginebra pero nagpasabog ng 17 points si Justin Brownlee sa second para agawin ang trangko 56-51 sa halftime.

Abante Hiring – IT dep

“We’re looking at a 40-point quarter but we took the punch,” suma ni Gin Kings coach Tim Cone. “We came back on our own, we were able to take that lead at the end of the half, and we’re able to throw our own punch in the third period.”

Mula roon ay hindi na bumitaw ang Gins, lumayo ng hanggang 85-67 sa third.

Naglista ng 11 steals ang Gins at nakakuha ng 26 points mula sa 18 turnovers ng Meralco.

Higit 5 minutes pa sa laro, naglunsad naman ng 10-0 run ang Bolts para dumikit 87-81 pero nagbaon ng pamatay-sunog na 3 si LA Tenorio, sinundan ng slam ni Brownlee at balik sa double digits ang lamang ng Gins.

Pagkatapos ng left corner 3 ni Jared Dil­linger, sumagot ng jum­per at dakdak si Greg Slaughter, bago ang dalawang free throws ni Tenorio para sa 102-86 Ginebra lead 75 seconds na lang.

Tumapos si Brownlee ng 36 points, 9 assists at six rebounds.

May double-double na 14 points at 10 boards si Slaughter, mula sa perpektong 3 for 3 shooting sa labas ng arc ay nagsumite ng 11 si Tenorio na may five assists pa. Umayuda ng 10 points si Japeth Aguilar.

Samantala, panalo rin ang San Miguel Beermen kontra TNT Ka­Tropa sa second game 106-102 para sumampa rin sa semifinals katapat ang Alaska Aces.

Nanguna sa SMB si import Renaldo Balkman na tumipa ng 25 points, habang sina Alex Cabagnot at June Mar Fajardo ay may 21 at 19 puntos, ayon sa pagkakabanggit.