Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownlee, Ginebra sinenglot NorthPort

0 206

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

3 pm – Terrafirma vs NLEX

5:30 pm – SMB vs Blackwater

Tinambakan ng Barangay Ginebra San Miguel ang NorthPort 108-92 para ekisan ang 2-0 start sa PBA Governors Cup elims Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa harap ng marami-raming crowd, pasabog si Justin Brownlee ng 28 points, 9 rebounds at 6 assists sa Gins.

Ginanahan si Arvin Tolentino na kumonekta ng 4 for 10 sa 3s tungo sa career-high 16 points, may 14 points si LA Tenorio at 8 points, 8 rebounds, 8 assists kay Scottie Thompson.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, pinakamalaking win margin ito ng Ginebra sapul nang ilampaso din ang NorthPort 132-105 sa Game 3 ng 2019 Governors Cup semis.

Career-best ang 32 ni Robert Bolick pero nabaon sa 0-4 ang Batang Pier na naiwan hanggang 28.

Sa unang sultada, kinamada ni Jayson Castro ang last 6 points ng TNT para ihatid ang Tropang Giga sa 81-77 win kontra Alaska.

Tumapos si Castro ng 20 points, 6 assists at 3 steals, may 16 points off the bench din si Glenn Khobuntin na 3 for 4 sa 3s para sa 1-1 TNT. Hulog ang Aces sa 2-2. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.