Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownlee, iba pa atrasado sabak

0 194

Pahirapan sa papeles at magkakaibang mahigpit na health protocol sa iba’t ibang bansa ang pahirap sa karamihan sa 12 team sa pagpapunta sa bansa ng mga import para sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup na planong buksan ngayong buwan.

Pero hanggang nitong Martes, aligaga ang maraming team sa kani-kanilang puntiryang reinforcement, kaya malaki ang posibilidad na iurong pa ng isang linggo ang season-ending conference mula sa Nobyembre 28 pa-Disyembre 5.

Ito ang nabatid sa isang source. Hindi naman tumugon si PBA commissioner Willie Marcial nang kunan ng reaksiyon ng Abante TONITE Sports.

Bumubuo sa batch ng import sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra San Miguel, Brandon Brown ng San Miguel Beer, Mike Harris ng Magnolia, Cameron Forte ng NorthPort, Henry Walker ng Rain or Shine, Paul Harris ng Phoenix Super LPG, Jaylen Bond ng Blackwater, Olu Ashaolu ng Alaska, Antonio Hester ng Terrafirma, McKenzie Moore ng TNT, KJ McDaniels ng NLEX at Shabazz Muhammad ng Meralco. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.