Abante Tonite Interactive

Brownlee inakay ang barangay

GINEBRA DUMALAWA!

1,447

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Phoenix vs. Columbian
6:45 pm – Alaska vs. Magnolia

Dumayo pa ng Legazpi City sa Albay ang Ginebra para itagay ang mailap na panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Sumandal ang Gin Kings sa mainit na dulo ng third quarter patawid sa bukana ng fourth para sagasaan ang NLEX 93-85 sa Ibalong Centrum for Recreation Sabado ng gabi.

Pinaglaruan ni Justin Brownlee ang triple-double sa 23 points, 22 rebounds at 7 assists para ihatid ang Gins sa panga­lawang panalo sa pitong salang at napaypayan ang tsansang humabol sa playoffs.

Pinalitan ng Gins sa ninth place ang Road Warriors na nalaglag sa 2-6.

Hindi maipagpag ng crowd favorites ang NLEX sa first two quarters, bago ang break ay nakawala si Arnett Moultrie para ibaon ang two-handed jam pero agad sumagot ng 3-pointer si Sol Mercado bago ang buzzer para itulak ang Ginebra sa 41-35 lead sa halftime.

Sa kalagitnaan ng third, naagaw pa ng Road Warriors ang trangko 52-51 sa short stab ni Moultrie. Kaya lang ay nabawi agad ng Ginebra at sa back-to-back 3s ni Kevin Ferrer ay lumayo 66-58 bago tinapos ang quarter hawak ang 75-66 bentahe.

Hindi na bumitaw ang hukbo ni Tim Cone at nang umabante 91-79 sa free throws ni Brownlee 3 minutes pa sa laro ay nilabas na ni coach Yeng Guiao si Moultrie na tumipa ng game-high 30 points, 19 rebounds at four steals.

Umayuda ng 13 si Japeth Aguilar, naka-double-double din si Greg Slaughter sa 12 markers at 10 boards, may 10 points si LA Tenorio sa Gins. (Vladi Eduarte)