Abante Tonite Interactive

Brownlee-Mercado tandem susi sa unang tagay ng Gins

374

balik-amats

Medyo bumaba ang laro ni reigning­ Best Import Justin Brownlee hambing sa una, pero nakakuha ng sapat na suporta sa locals para matungga ng defending champion Barangay Ginebra San Miguel ang 110-95 pagpundi sa Meralco Linggo sa PBA Commissioner’s Cup elims sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Gins Kings sa 15 points down at dinistansiyahan pa ang Bolts ng lamas sa tinambak sa kanila – 16 – para makabawi agad 108-107 upset loss sa Blackwater nitong Biyernes at umakyat sa fourth spot sa 1-1 win-loss record.

Kay Solomon Mercado binigay ng TV panelists ang best player of the game honors sa pagbakas ng krusyal na 14 points, 8 rebounds at 5 assists mula sa bench sa kanilang reinforcement na sa pangalawang sunod ay muntik mag-triple-double sa 27 markers,­ 12 boards at 8 feeds.

Pero may kalayuan ito sa kanyang 44-10-7 kontra Elite.

May 19 pts. pa si Japeth Aguilar, 16 si Art dela Cruz at 11 bukod pa sa 10 asts. si Earl Scottie Thompson sa panig ng Ginebra.

Nasayang ang pagsisikap ni Ganmi Lawal sa Bolts na tumapos ng 38 pts. at 20 rebs. Pero si baser Amer lang ang nakatuwang niya na may 10 puntos.
Ang iskor:

Ginebra 110 – Brownlee 27, Aguilar 19, Dela Cruz 16, Mercado 14, Thompson 11, Slaughter 8, Mariano 8, Tenorio 4, Ferrer 3, Cruz 0, Caperal 0.

Meralco 95 – Lawal 38, Amer 10, Newsome 8, Hodge 7, Salva 6, Pinto 6, Canaleta 6, De Ocampo 5, Hugnatan 4, Jackson 3, Tolomia 2, Quinto 0, Caram 0.
Quarters: 16-28, 43-54, 82-71, 110-95. (Lito Oredo)