Abante Tonite Interactive

Brownlee, Mighty Sports pasok na sa Dubai playoffs

282

Pasok na sa quarterfinals ang Mighty Sports-PH kasunod ng 86-78 panalo kontra UAE kahapon sa 30th Dubai International Basketball Championships sa Shabab Al Ahli gymnasium sa Dubai.

Kumana si three-time PBA champion Justin Brownlee ng 18 points at 11 rebounds, nakatuwang ang dalawa pang kapwa import na sina Randolph Morris na may 20 markers at Roosevelt Adams na may 18.

Panalo man, nakulangan pa rin ang Mighty Sports head coach na si Charles Tiu matapos mabitawan ang 20 puntos na kalamangan.
“Actually I am not happy with how the game turned out. If we play this [kind of] game the next few days, we’re going to lose. We might not make it past the quarterfinals,” pakli ni Tiu.

Bukod sa tatlong imports, todo-puri rin si Tiu sa dalawang guard na sina Fil-Am Jason Brickman at Juan Gomez Di Liaño na nagtimon sa koponan para makakuha ng libreng tira ang mga kakampi.

Samantala, naging limitado ang oras ni da­ting Los Angeles Lakers­ champ Lamar Odom, walang naiskor at may limang rebounds sa 13 minuto.

Susubukan ng Mighty Sports na manatiling walang dungis kontra sa Homenetmen-Lebanon ngayong Lunes ng umaga.

Tonite – Wendys Inhouse Ad