Abante Tonite Interactive

Brownlee PBA 3-point king

439

PBA champion. Best Import. Idagdag na ang Three-Point King.

Isa pang karangalan ang idinugtong ni Ginebra resident import Justin Brownlee sa humahaba na niyang resume sa PBA.

Sa 113-90 win ng Gin Kings kontra Columbian nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum, kumana si Brownlee ng 3 for 6 shooting mula sa labas ng arc.

Ang tatlong tres na ‘yun ang pang-302 ng kanyang career sapul nang dumayo sa bansa noong 2016 para maging reinforcement ng crowd darlings.
Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, pangalawang import pa lang si Brownlee sa kasaysayan ng PBA na nakakatipon ng at least 300 3-pointers made.

Ang una ay si Lamont Strothers na naglaro dati sa San Miguel Beer mula 1997-2002.

Nakuha ni Strothers ang 300th 3-pointer niya sa loob ng 122 games, at may 325 total 3s sa PBA career.

Kinapos ng isa si Brownlee, nilista ang 300th 3 sa 123rd game niya.

Back-to-back champions ng Governors Cup si Brownlee at Ginebra noong 2016 at 2017, dinagdag ang 2018 Commissioner’s Cup crown nang maging Best Import of the Conference din siya. (VE)