Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brownlee pinasaya may kanser

0 225

Pusong Pilipino!

Ito ang pinamalas na asal ni Barangay Ginebra San Miguel resident import at Gilas Pilipinas naturalized prospect Justin Brownlee nang tuparin ang matagal ng pangarap ng isang Pinoy cancer patient.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ala Santa Claus ang four-time Philippine Basketball Association (PBA) champoion – lahat sa Gin Kings – nang tuparin ang wish ng pasyenteng may kanser na makausap siya.

At malayo man dahil nasa Middle East ngayon bilang Al Sharjah Basketball Club reinforcement sa United Arab Emirates National Basketball League, hindi ito naging hadlang para sa 32-year-old, 6-foot-7 forward via online video call.

Wala mang dugong Noypi ang American baller, pero ‘di na matatawaran ang pagmamahal niya sa ‘Pinas kung saan ilang beses nang naninilbihan bilang import ng Gin Kings at sa San Miguel Alab Pilipinas ng ASEAN Basketball League (ABL). (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.