Brownlee, Pringle totomain ang Alaska

265

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Rain or Shine vs. Columbian
6:45pm — Ginebra vs. Alaska

BABASAGIN ng Ginebra ang kampanya sa PBA Governors Cup sa second game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Makakatapat ng crowd favorites ang Alaska na susubukang bumawi mula sa 117-110 loss sa Columbian Dyip sa opening day ng season-ending tournament noong Biyernes.

Pagkatapos ng matagal-tagal na panahon, kumpleto ang roster ng Gin Kings maliban kay Joe Devance na nagpa-opera sa paa at November na ang posibleng balik.

Nakarekober na mula injuries sina Art dela Cruz, Jeff Chan at Jared Dillinger, babangis ang backcourt at wing positions ng Gins.

Aangkla pa rin si coach Tim Cone kina Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson, twin towers Japeth Aguilar at Greg Slaughter, at kay import Justin Brownlee.

Babanggain ni bagong Alaska coach Jeff Cariaso ang dati rin niyang hinawakang Gins.

Isasagupa ni Cariaso sina Vic Manuel, Chris Banchero, Simon Enciso, bagong saltang si Abu Tratter at import Justin Watts na nagpasabog ng 40 points at 14 rebounds kontra Dyip. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...